Sunday, 22 Sep 2019

103 Years Old Woman Receives Birthday Surprise From Police Officers

A Facebook post has been viral receives thousand of likes, comments, shares about 103 years old woman who receives birthday surprise from police officers. Here’s the full context of post coming from respective owner.

Maaala natin nang si PO2 Alberto Reyes ay nagpapatrolya sa loob ng Clarkfield Pampanga ng makita niya si Lola Rosa na nangangalakal, ayon sa kanya siya ay 103 taong gulang na at ang petsa ng kanyang kapanganakan ay August 16, 1915.

Sa pagnanais na tumulong ni PO2 Reyes ay nagtungo ito sa kanyang tirahan kasama ang iba pang miyembro ng 302nd Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion 3 upang sorpresahin si Lola. Namahagi din sila ng kaunting bigas at pagkain at sabay-sabay din nilang binati at inawitan si Lola na nagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayon. Makikita sa mga ngiti ni lola ang kanyang labis na kasiyahan at pasasalamat sa munting sorpresa na inihandog ng ating mga kapulisan.

Dahil sa kagustuhan namin na makakuha si Lola ng benepisyo mula sa gobyerno sa katulad niya na may edad na 103 yrs old ay nagtanong sila kay Lola kung mayroon ba siyang naitagong dokumento (birth certificate) subalit ang nag iisa at pinakatago-tago niyang birth certificate noon ay kinuha raw ng isang tao upang tulungan din siya ngunit hindi na ito bumalik. Tanging ang nga IDs na lamang niya ang kanyang naitabi ngunit hindi rin magkakatugma ang edad at impormasyon na nakalagay dito.

Mayroon siyang nag-iisang anak ngunit aming napagalaman na ito ay sumakabilang buhay na. Ang kanyang nag iisang pamangkin na lamang ang dumadalaw sa kanya sa kanyang maliit na barong-barong. Napag alaman din namin na si Lola ay tubong Leyte. Nais namin tulungan si lola subalit kulang ang mga dokumento na magpapatunay ng kanyang edad.

Sana po ay napaligaya namin si lola sa aming simpleng sorpresa at nawa ay aming napawi kahit sa aming maiksing panahon ang kanyang pangungulila.

Sa mga nais din pong magbigay ng tulong at impormasyon na makakatulong sa aming misyon upang matulungan si Lola Rosa. maaari po ninyo kaming imessage dito po sa aming fb account o kaya naman ay maaari niyo rin po siyang puntahan sa Marcos Village, Mabalacat City Pampanga.

Pagpalain po tayong lahat ng Panginoon!

#pulisgooddeeds
#OCAChallenge

(c) Viperpcr ThreeZeroSecond

 

Did you inspire this article? For more clarification just please leave a comment in a comment box below. Spread the love  by sharing this to your friends and love ones.

P.S. Pictures are not mine credit to the owners.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *