Grade 8 Aralin Panlipunan MELC 1 – Kabihasnang Minoan at Mycenean

Gawain 1: Ano ang gusto ko

  1. Isang lungsod estado sa Europe na ang mamamayan ay may kaniya-kaniyang tungkulin na ginagampanan.
  2. Nagpapakita ng mga karaniwang tagpo na ginagampanan katulad ng pamilya, mamamayan at lipunan.

Gawain 2: Mapa-Suri

  1. Aegean Sea, Ionian See, Mediterranean Sea at Sea of Crete ang mga anyong tubig na makikita na malapit sa Greece.
  2. Ito ay daanan sa pamamaraan ng kalakal papunta sa iba’t-ibang bahagi ng Europe upang mapaunlad ang kalakalan sa mga pamayanan.

Gawain 3:

Kabihasnang Minoan

– Ang sining ng pagpipinta ay ipinakita ng mga Minoan sa dalawang larangan.

– pinagpapalit nila ang mga ito para sa ginto, pilak at butil ng pagkain.

– Ang sining ng pagpipinta ay ipinakita ng mga Minoan sa dalawang larangan – sa mga fresco at mga palayok

Pagkakatulad

-Sistema ng pagsulat.

-Magaling na madirigma

Kabihasnang Mycenean

– Ang isa sa mga katangian ng panahong ito ay ang pagsasama-sama ng istrukturang panlipunan at pampulitika nito.

– Pinag-ugnay ng maayos na daanan at mga tulay ang mga lungsod dito.

– Ito ay napapaligiran ng makapal na paderang lungsod upang magsilbing pananggalang sa mga maaring lumusob dito.

Prosesong mga tanong:

  1. Umosbong sa isla ng Crete ang Kabihasnang Minoan.
  2. Sa Karagatang Aegean naman umosbong ang Kabihasnang Mycenean.
  3. Kabihasnang Minoan ay napalawak at umunlad ang pamayanan samantala ang Kabihasnang Mycenean naman ay umunlad dahil sa pakikipagkalakalan.
  4. Nilusob ng mga mananakop kaya nagwakas ang Kabihasnang Minoan at Mycenean.

Gawain 4: Magbasa at Matuto

  1. Ang Polis ay salitang may kinalaman sa pamayanan tulad ng pulisya. Ang Acropolis naman ay tumutukoy sa mataas na lungsod samantala ang Agora ay ang pamilihang bayan.
  2. Ang mga mamamayan ng isang polis ay may karapatang bomoto, magkaroon ng ari-arian, humawak ng posisyon sa pamahalaan at makapatanggol sa korte.
  3. Makilahok at tumulong sa pagtatangol ng polis sa panahon ng digmaan ang isang lehitimong polis na may ganitong responsibilidad.

Gawain 5: Magbasa, Matuto, Magtala

  1. Inaalay nila ang kanilang buhay para lamang sa kanilang tungkulin. Katulad din sila ng mga sundalo o pulis ngayon na pinoprotektahan ang mga tao at binubuwis ang kanilang buhay para mapanatili ang kapayapaan sa iba’t ibang parte ng bansa.
  2. Pag sapit ng pitong taong gulang ang mga lalake ay dinadala sa kampo militar upang sumailalim sa mahigpit na disiplina at sanayin sa pakikipaglaban. Maaring silang bumalik sa pamilya kapag naging 21 taon na sila.
  3. Nakakabuti ang disiplina ng spartan sa kanila kasi una napakalakas nila at isa pa dahil maraming gustong sumakop sa Greece samantala nakakasama naman,dahil nga sa sobrang lakas nila may mga bagay na dapat hindi gawin ay nagagawa nila meron kasi silang parang yell na KILL ALL DEAD so kht wala kang kasalanan basta may mkita silang di maganda sayo siguradong patay kana at dahil nga din doon bumaba ang ekonomiya ng Greece.

Gawain 6: Talahayanan

Kabihasnang GreekAmbagKahalagahan
Kabihasnang MinoanSistema ng panulat, sining, arena at iba pa.Sa panahon ng kabihasnang Minoan may kalayaan sa pakikisalamuha rehiliyon ang mga kababaihan malaya silang nakikipag-usap at ugnayan sa mga tao sa paligid. May kalayaan din silang pumili ng relihiyon. Umusbong ang panitikan, arena at nakagawa ng mga sistema sa panulat at sining.
Kabihasnang MycenaeanSa Larangan ng SiyensyaAng mga sinaunang Greeks ay maraming oras sa kanilang mga kamay kapag hindi sila kasangkot sa mga digmaan. Kailangang mag-isip sila at pagmasdan ang uniberso at lahat ng nakapaligid sa kanila. Tulad nito, ang mga sinaunang siyentipiko na Greek ay gumawa ng mga makabuluhang pagtuklas sa maraming larangan tulad ng geometry, astronomiya, matematika at gamot.
Kabihasnang GreekEstado, demokrasya at sandatahang lakas.Ang demokrasya ay naimbento sa Athens at natatangi sa kahulugan na ang bawat mamamayan (basahin ang mga lalaki na hindi alipin) ay may karapatang bumoto at magsalita sa pagpupulong, kung saan ginawa ang mga batas at desisyon. Inaalay nila ang kanilang buhay para lamang sa kanilang tungkulin. Katulad din sila ng mga sundalo o pulis ngayon na pinoprotektahan ang mga tao at binubuwis ang kanilang buhay para mapanatili ang kapayapaan sa iba’t ibang parte ng bansa. dahil sa kanila ay napapanatili ang kapayapaan at kaayusan ng ating paligid.

Prosesong tanong:

  1. Nagdudulot ito ng magandang ehemplo at katatagan ng mga tao at pag unlad ng kabihasnan  sa larangan ng agham, panitikan at iba pa.
  2. Dahil sa mga pananakop na naganap sa Pilipinas, malaki ang naging epekto nito sa pamumuhay ng mga sinauna at kasalukuyang mga Pilipino katulad ng edukasyon na nagkaroon ng pormal na sistema ng edukasyon, lumawak ang Kristiyanismo sa bansa, makukulay na yari sa iba’t ibang uri ng tela at iba pa.

Repleksiyon:

Prosesong tanong:Ito ay tungkol sa mga naambag ng Kabihasnang Greek sa kasalukuyan.

Kung tungkol sa panitikan, ang mga sinaunang Griyego ang unang lumikha ng kumplikadong panitikan, na nakakaimpluwensya pa rin sa atin hanggang sa araw na ito. Ang isa sa mga pinakalumang istilo ng panitikan ay ang tula, at mas partikular, epikong tula, na kadalasang ginagamit upang ilarawan ang kuwento ng isang bayani.

YOU MAY ALSO LIKE:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *